Click to expand transcript
Brother Eduardo V. Manalo,
I thank our Lord God because of His great love– He blessed the Church with a loving leader in you. I am deeply grateful that the Lord God used you as the instrument to establish SCAN International. For me, and for many of my fellow brethren, this organization is more than just an association– it is a blessing that has changed our lives.
Brother Eduardo, since becoming a member of SCAN, I have been more inspired to serve. Every time I fulfill my duty, I feel the presence of the Lord God with me. I firmly believe that as I embrace this duty, the Father also embraces me and will never forsake my family. I have learned so much from being in SCAN. I learned the joy of helping others. Every time we respond to emergencies and disaster, I know that it is not only people I am helping, it is also part of my service to God. That makes every sacrifice meaningful.
There was one disaster recently in the Philippines that I will never forget. I was among the SCAN officers who immediately responded during a severe flood. Together we worked to rescue those who were stranded, and we tried to strengthen the spirits of those who became victim of the calamity because some of them were overcome by fear. But one of the hardest tasks we faced was searching for the bodies of those swept away by the flood.
Brother Eduardo, it remains vivid in my mind– the faces of the grieving families, their tears, their cries, and their deep sorrow. My heart was deeply hurt when I saw their suffering. Yet, even in that sorrow, I found courage because I knew that in returning their loved ones, even in such a heartbreaking condition, I could make them feel my keen support so they may be given a way to grieve in peace. We risked our lives, but with God’s mercy we were able to recover the remains and return them to their families. We stood with them in their mourning and reminded them that only the Lord God can help us overcome such grief. In those moments of danger and sorrow, I made a solemn promise to God– that for as long as I live, I will never turn my back on my duty in SCAN.
In SCAN, every sacrifice for the Church has meaning.
In SCAN, every act of service brings us closer to the Lord God.
In SCAN, if we remain faithful in this responsibility, God’s blessings flow not only to us but also to our families.
Brother Eduardo, I am deeply grateful to you. Thank you for establishing SCAN International. Thank you for your tireless leadership. Thank you for always thinking of the welfare of the brethren. The responsibility you carry is so heavy, but because of your guidance, brethren like me find strength, hope and courage to continue.
Please know, Brother Eduardo, that you are always in my prayers. I continually ask our Almighty God to give you strength, to grant you a long life and the best of health. May the Father always surround you with His protection so that you may continue to lead the Church until we reach the promised salvation.
Brother Eduardo, I make this promise to you: I will remain steadfast in my duty as a SCAN member. I will continue to help, to serve, and to watch over the brethren and to the Church– because in doing so, I know the Father will never forget me.
From the bottom of my heart, thank you very much Brother Eduardo. I am Brother Rodolfo Mitra, I am a SCAN member, and from being a SCAN member I discovered genuine happiness.
Kapatid na Eduardo V. Manalo,
Nagpapasalamat po ako sa ating Panginoong Diyos sapagkat sa Kaniyang dakilang pag-ibig, pinagkalooban Niya ang Iglesia ng mapagmahal na lider sa katauhan po Ninyo. Ipinagpapasalamat ko po sa Ama na Kayo po ang kinasangkapan Niya upang maitatag ang SCAN International. Para po sa akin at sa napakarami pang kapatid, ang organisasyong ito ay hindi lamang isang samahan—ito ay isang biyaya na nagbago ng aming mga buhay.
Ka Eduardo, mula po nang ako’y naging miyembro ng SCAN, lalo po akong naging inspiradong maglingkod. Sa tuwing tinutupad ko po ang aking tungkulin, dama ko na kasama ko ang Panginoong Diyos, at lubos po akong sumasampalataya na habang niyayakap ko ang tungkuling ito, yayakapin din at hindi pababayaan ng Ama ako at ang aking pamilya.
Ang dami ko pong natutunan sa pagiging SCAN. Natutunan ko po na napakasaya sa puso ng pagtulong sa iba. Sa bawat pagtugon po namin sa mga sakuna, alam kong hindi lang ako nakakatulong sa kapwa—kundi bahagi po ito ng paglilingkod ko sa Diyos. At dahil po dito, mas nagiging makabuluhanang bawat sakripisyo.
May isang pagkakataon po, sa mga nagdaang kalamidad sa bansa kamakailan, na hindi ko malilimutan. Isa po ako sa mga SCAN na agad na rumesponde nang magkaroon ng matinding pagbaha. Nagtulong-tulong po kami sa pagsagip ng mga na-stranded. Nagsikap po kaming palakasin ang loob ng mga naging biktima ng kalamidad pagkat ang iba po sa kanila ay natatalo ng takot. Ngunit ang isa po sa pinaka-mabigat na aming hinarap ay ang paghanap sa labi mga kababayan naming inanod ng baha.
Ka Eduardo sariwa pa po sa aking isipan ang mga mukha ng mga naulila: ang kanila pong mga luha, mga daing, at labis na pagdadalamhati. Labis pong nasaktan ang aking damdamin ng makita ang kanilang matinding kapighatian. Ngunit sa kabila po nito… nagbigay po ito sa akin ng tapang. Kasi po, alam ko na sa pagbabalik ng labi ng kanilang mga mahal sa buhay, kahit sa napakasakit na kalagayan, maipararamdam ko po sa kanila ang matinding pagtulong upang mabigyan sila ng paraan para panatag na makapagluksa. Sinuong namin ang panganib, at sa awa ng Ama, na-retrieve po namin ang mga labì ng mga pumanaw at naibalik ang mga ito sa kanilang mga mahal sa buhay. Dinamayan po namin sila sa kanilang kalungkutan, at ipinaalala po namin na tanging ang Panginoong Diyos lamang makatututulong sa atin sa paglaban sa matinding lungkot.
Sa mga ganitong sandali po ng panganib at dalamhati, binuo ko po ang isang matibay na pangako sa Diyos—na habang ako po ay nabubuhay, kailanman ay hindi ko pababayaan ang pagiging SCAN.
Sa SCAN, ang bawat sakripisyo para sa Iglesia ay may kabuluhan.
Sa SCAN, ang bawat paglilingkod ay lalong naglalapit sa atin sa Panginoong Diyos.
Sa SCAN, kapag nanatili tayong tapat sa ating tungkulin, ang pagpapala ng Diyos ay umaagos hindi lamang sa atin, kundi maging sa ating pamilya.
Ka Eduardo, lubos po akong nagpapasalamat sa Inyo. Salamat po sa pagtatatag ng SCAN International. Salamat po sa Inyong walang pagod na pamumuno. Salamat po, lagi Ninyong iniisip ang kapakanan ng mga kapatid. Napakabigat po ng pananagutang pasan Ninyo, ngunit dahil sa Inyong paggabay, ang mga katulad ko—mga karaniwang kapatid—ay nakakahanap ng lakas, pag-asa, at tapang upang magpatuloy.
Nais ko pong malaman Ninyo Ka Eduardo, na Kayo po ay laging kasama sa aking mga panalangin. Patuloy ko pong idinadalangin sa ating Panginoong Diyos na bigyan pa Kayo mahabang buhay at mabuting kalusugan. Nawa po ay igawad pa ng Ama sa Inyo ang Kaniyang walang hanggang pag-iingat, upang patuloy po Ninyong mapangunahan ang Iglesia hanggang sa atin pong makamit ng ipinangakong kaligtasan.
Ka Eduardo, nangangako po ako sa Inyo: Mananatili po akong matatag sa aking tungkulin. Patuloy po akong tutulong, maglilingkod, at magbabantay sa mga kapatid at sa Iglesia. Sapagkat sa paggawa po nito, alam kong hindi ako kalilimutan ng Ama.
Mula po sa kaibuturan ng aking puso, maraming salamat po, Ka Eduardo. Ako ay si kapatid na Rodolfo Mita. Ako po ay isang SCAN at sa pagiging SCAN natagpuan ko po ang tunay na kagalakan.